Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 286 Parito, Kayo Bayan
1
Parito, kayo bayan, pag-aani’y awitin!
Lahat ay natipon na, bago bagyo’y dumating;
Diyos ang s’yang nagbibigay ng kailangan natin;
Sa templo’y parito na, pag-aani’y awitin!
2
Bukiran tayo ng Diyos, na dapat ay magbunga;
Trigo’t pansirang-damo’y naipunlang magkasama;
Tumubo at nagsupling sa lungkot o ligaya;
Kami, Oh Panginoon, gawing mabuting bunga.
3
Sapagka’t ang ating Diyos sa lupa ay daratal,
At yaong Kanyang ani’y dadalhin sa tahanan;
Mga pansirang-damo’y sa apoy sisilaban,
Ang mabubuting bunga’y sa Kanyang bangan naman.
4
Iglesyang matagumpay, pag-aani’y awitin;
Lungkot at kasalanan sa wakas natapos din;
Doon sa bangan ng Diyos, ligaya ay kakamtin;
Malilinis nang lubos, mga anghel kapiling