Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 213 Itaas Siya
1
Itaas Siya at masdan
Upang tao’y mabuhay;
Bigay N’ya sa nauuhaw
Ay ang tubig ng buhay;
Bagama’t nagpakababa’y
Puno ng kalangitan;
Ang bulag, sa dugo Niya’y
Makakakitang tunay.
Koro:
Itaas sa naghihintay
Ang ating Manunubos;
Kamalian ay takasan,
Ito ang Kanyang utos.
2
Itaas Siya’t bayaang
Masadan ng karamihan;
Ang humahanap sa Kanya’y
Ipipisa sa kawan;
Sila ay magkakatipon
Nang buong kagalakan,
Krus ni Jesus ay dadalhi’t
Kaligtasan ay laan.
3
Ang Anak ng Diyos sa langit,
Ibunyi’t l’walhatiin;
Sa pag-ibig N’yang taimtim,
Sila’y palalapitin;
Ang krus at ang kamataya’y
Bayaang muling dinggin;
At sa mga dila’t dila
Ito’y ulit-ulitin.
4
Itaas nga Siya sa awit,
Itaas sa dalangin;
Inako ng Manunubos
Lahat ng sala natin;
Bata’y yuyukod sa Kanya’t
Matanda’y sa awitin;
Ang bingi’y makakarinig;
At pipi’y pupuri rin.