Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 96 Balita’y Ikalat
1
Balita’y ikalat, saanman laganap
Ang mga taong sa dusa’y naghihirap;
Ang Mang-aaliw ay dumating ng ganap!
Ito ay itanyag.
2
Ang gabi’y lumipas, ganap nang umaga;
Ang taghoy at putok nangatahimik na.
Ang Mang-aaliw ay dumating na pala!
Ito ang s’yang badya.
3
Banal na Pag-ibig! pa’no magsasaysay
Ako ng biyaya mong walang kapantay
Upang akong ito na makasalanan,
Sa Kanya’y sumilang!
4
Paalingawngawin sa langit ang awit,
At ang mga banal tumugon sa himig
Na:Ang Mang-aaliw na kaibig-ibig
Dito ay sumapit!