Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 92 Sa Bagong Jerusalem
1
Sa bagong Jerusalem
Ay walang panimdim,
Liwanag ay maningning,
Doo’y walang dilim.
Koro:
Luha mo’y papahirin,
Wala ka nang hilahil,
Diyos ang iyong kapiling
Diyos ang iyong kapiling
Kasalo sa aliw, Kasalo sa aliw.
2
Ang pinto’y pawang perlas
Sa banal na s’yudad,
Ang daa’y gintong lahat
Kaya’t maliwanag.
3
Doo’y wala nang araw
Na makasisilaw,
Kordero’y Siyang ilaw,
Liwanag ay sakdal.
4
Ang pinto’y laging bukas
Sa banal na s’yudad,
Tubig na sakdal sarap
Doo’y malalasap.