Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 9 Panginoon Naming Jesus
1
Panginoon naming Jesus!
Dakilang Mananakop
Na nagbayad at tumubos
Sa sala’y pagkagapos!
Koro:
Oh! Kahanga-hangang
Jesus na Mananakop!
Sa sala’y umako’t
Buhay ang kaloob!
2
Kapuri-puring panlinis
Sa kaluluwang dungis!
Dugong sa sala’y nag-alis
Upang sa Diyos malapit!
3
Niliins sa aking puso
Salang doo’y natago;
Siya ngayo’y nagpupuno
At sama’y pinasuko!
4
Siya’y lagi kong kasama
Saan man S’ya pumunta;
Pinapagtapat t’wina
Ako sa Diyos na Ama!