Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 88 Aking Aawiting ang Magandang Bayan
1
Aking aawitin ang magandang bayan,
Sa kaluluwang tahanan,
Doo’y walang bagyong laging gumigimbal
Sa dalampasigang makinang,
Panahon man ay magdaan;
Doo’y walang bagyong laging gumigimbal,
Panahon man ay magdaan.
2
O, ang tahanang yaon ng kaluluwa!
Sa pangarap nakikita,
Hanggang sa akin ngang makinikinita
Ang lunsod na sakdal ganda,
Ang lunsod na sakdal ganda;
Hanggang sa akin ngang makinikita
Ang lunsod na sakdal ganda.
3
Ang tahanan yaon na di mababago,
Para sa aki’t sa iyo;
Si Jesus na Hari ng lahat ng tao,
Taglay ang putong mo’t putong ko,
Taglay ang putong mo’t putong ko;
Si Jesus na Hari ng lahat ng tao,
Taglay ang putong mo’t putong ko.
4
Magiging mainam sa magandang bayan,
Wala nang hirap at lumbay;
May awit sa labi’t may alpa sa kamay,
Na tayo’y magkikitang tunay!
Na tayo’y magkikitang tunay!
May awit sa labi’t may alpa sa kamay,
Na tayo’y magkikitang tunay!