Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 87 May Isang Lupaing Mainam
1
May isang lupaing mainam,
Sa malayo ay natatanaw;
Ang Ama doo’y naghihintay,
At naghahanda ng tahanan.
Koro:
Sandali na lamang,
Sandalina lamang
Doon tayo mangagpipisan;
nang tunay,
Sandali na lamang,
Sandali na lamang,
Doon tayo mangagpipisan.
2
Tayo’y doon mag-aawitan,
Ng awit na may kabanalan,
Lungkot ay di mararanasan,
Sa biyayang kapahingahan.
3
Sa Ama nating mahabagin,
Ang pagpupuri ay awitin,
Dahil sa kaloob na giliw,
At pagpapalang sumaatin.