Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 85 Nais Nating si Jesus ay Makita
1
“Nais nating si Jesus ay makita;”
Pagkay’t dumidilim ang pag-asa;
Nais nating si Jesus ay makita,
Nang lumakas sa pakikibaka.
2
“Nais nating si Jesus ay mamasdan,”
Na S’yang Batong ating kaligtasan;
Hindi ang buhay, ni kamatayan,
Pipigil sa ‘ting mukha N’ya’y tingnan.
3
“Nais nating si Jesus ay mamalas;”
Ibang liwanag ay kumukupas;
Ang pagpapala ng mundo’y di sapat;
Ikaw, sa amin, ay siyang lahat.
4
“Nais nating si Jesus ay makita;”
Ito ang tangi nang mahalaga–
Pagka’t lakas at tuwa ang nadarama,
Lalo kung Siya ay magbalik na!