Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 83 Gaano pa Kaluwat ang Ipaghihintay
1
Gaano pa kaluwat ang ipaghihintay
Sa Iyo Panginoon, ng Iyong pagdatal?
Ang mga puso namin ay aasam-asam
Sa Iyong pagkahayag sa taong kinapal!
2
Sa muli Mong pagdatal ay iilan lamang
Ang mga nagtatapat sa Iyong pangalan,
Madla ang nangagbalik sa kapahamakan,
Kaya’t ang mga handa’y kakaunting tunay.
3
Ang nangakalilimot ay Iyong gisingin
Upang mangagsihanda sa Iyong pagdating;
Ihanda Mong maningas mga ilaw namin,
Ang pusong nananabik naman ay gayun din.