Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 81 Nangako Siya sa mga Tapat
1
Nangako Siya sa mga tapat
Ang sabi’y “Ako ay babalik agad,
Kaya’t maghintay kayo’t magpuyat
Manatiling tapat hanggang sa wakas.”
Koro:
“Tibayan hanggang ako’y dumating
Bayang nauli’y inyong tanggapin
Putong na tala roo’y kakamtin
Magtibay nga kayo’t Ako’y hintayin.”
2
Kaya’t magpuyat sa pagdalangin,
Ilawan ninyo ay papagningasin,
Ang pagparito Niya’y di lihim
Lamang ang araw ay di alam natin.
3
Ito angating tanging pag-asa
Sa mga Kasulata’y nababasa,
Ang ating puso ay sumisigla
Kung maalaalang darating Siya.