Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 80 Ating Haring Paririto
1
Ating Haring paririto
Yaong ipinako sa krus,
Sanhi sa sala ng tao
Dugo ay nabuhos!
Koro:
Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto,sa pinto,
Sa pinto, Siya’y nasa pinto!
Dumarating! Dumarating!
Dumarating! Dumarating!
Siya ay dumarating!
2
Nguni’t mga banal lamang
Tangi Niyang titipunin
Upang ganti ay pakamtan
Sa langit dadalhin.
3
Mga tandang inihayag
Sa muli Niyang pagdating
Matuling nangatutupad
Nakikita natin!
4
Huwag umasang lilipas
Bagabag dito sa lupa
Hanggang banal ay maligtas
At sama’y mapuksa!