Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 78 Mga Tanda’y Natupad Nang Lahat
1
Mga tanda’y natupad nang lahat
Sinasabing darating si Jesus;
Kami’y nag-aantabay nang maluwat,
Dumating Ka nawa aming Manunubos!
Koro:
Lahat ay ating balitaang
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
“Jesus, h’wag magluwat sa Iyong pagdatal!”
2
Buwan, bituin, pati ng araw,
Nagsasabing Siya’y malapit na,
Mga bansa’y naliligaligan,
Masasamang puso’y pawang nangangamba!
3
Ito’y kagalakang walang hangga,
Sa nagbabalitang matiyaga,
Pawang saksing napakalapit na
Ang pamimitak ng araw na dakila!
4
Kaya’t tayo’y masiglang gumawa,
Di na tatagal darating Siya,
Ang nagsisi ay hindi sasalang
Papasok sa pinto’t magpupuri t’wina!