Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 75 Pagdating ng Pag-aani
1
Pagdating ng pag-aani
At ng sanlibong taon,
Sa paghukom sa marami
Ng ating Panginoon,
Ang lahat ay tatawagan
Sa harap ng luklukan,
Ang ganti ay ibibigay
Pag ang Hari’y dumatal.
2
Ang galak ng Kanyang bayan
Ay walang makapara
Kung sila’y gantimpalaan
Sa lahat nilang dusa;
Sa pintong perlas na lantay
Papasok silang tanan
Ang buhay ay ibibigay
Pag ang Hari’y dumatal.
3
Naghirap na nangagpunla
Ng mahalagang bagay,
Upang ang iba’y mahanda
Sa pagtanggap ng buhay;
Sa langit wala nang luha
Walang nang kapanglawan
Putong natin ay kakamtan
Pag ang Hari’y dumatal.