Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 73 Sa Kasalan Aanyayahan
1
Sa kasalan aanyayahan
Tayo’y uupong kasamahan
Ng mga pinili’t hinirang
Sa huling araw.
Koro:
Sa pagparitong muli
Ni Kristong hari
Ang hangad ko’t laging mithi’y
Doon lumagi.
2
Siya’y ating luwalhatiin
Na namatay dahil sa atin;
Anong dilag nga at luningning
N’ya kung dumating.
3
Kagaya ng kislap ng kidlat
Sa lahat ay ipamamalas,
Doon natin matatalastas
Ang taong tapat.
4
Kay laking galak kung itinig
Mata N’ya sa mga umibig!
Kaya’t pasakop nang magkamit
Ng ganting nais.