Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 70 Tagapagmana
1
Tagapagmana, bakit nahihimbing?
Pinagpalang bahay ay tanawin;
Baluti’y isuot at magtumulin
Baka tahanan mo’y di sapitin.
2
Mga bansa’y gulo’t nag-aaway,
Bakla, takot, at nanlulupaypay
Dinggin ang ugong at di m agkamayaw
Kaya’t magdagling mana’y agapan.
3
Huwag mag-abala sa lupang alay
Pagka’t iya’y pawang pumapanaw;
Ang kaharian ang nasaing kamtan
At ang layaw dito ay talikdan.
4
Ulo’y itaas, sa langit tumingin,
Masdan ang maluwalhating ningning
Ng liwanag ng Haring dumarating
Tagapagmana, ‘yong salubungin.