Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 67 Sadyang Karapat-dapat ang Korderong Pinatay
1
Sadyang karapat-dapat
Ang Korderong pinatay;
Sadyang karapat-dapat
S’yang tunay.
Koro:
Gloria, aleluya!
Papurihan Siya!
L’walhati’y iukol
Sa Kanya!
2
Kaharian Mo, Jesus,
Ibaba Mo nang lubos!
Upang ang kasalana’y
Matapos.
3
Paglingkuran natin S’ya,
Ibigi’t purihin pa,
Hanggan sa Siya’y ating
Makita.