Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 65 Kay Jesus Kayo’y Sumamba
1
Kay Jesus kayo’y sumamba
Buong sanlangitan,
Ilabas ang diyadema
At S’ya’y putungan, Oo!
Siya’y putungan!
2
Kayong lahi ni Israel
Mahina’t iilan,
Kayo ay magsisamba rin
At S’ya’y putungan, Oo!
Siya’y putungan!
3
Lahat ng tao sa lupa,
Dapat ding gumalang,
Sa Kanya’y mangayupapa
At S’ya’y putungan, Oo!
Siya’y putungan!
4
Tayo nawa’y makasama
Noong karamihan,
Nang masamba natin Siya’t
Tuloy putungan, Oo!
Siya’y putungan!