Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 64 Kay Jesus Kayo’y Sumamba
1
Kay Jesus kayo’y sumamba
Buong sanlangitan,
Ilabas ang diyadema,
At Siya’y putungan!
Ilabas ang diyadema,
At Siya’y putungan!
2
Kayong lahi ni Israel
Mahina’t iilan,
Kayo ay magsisamba rin,
At Siya’y putungan!
Kayo ay magsisamba rin,
At Siya’y putungan rin!
3
Lahat ng tao sa lupa,
Dapat ding gumalang,
Sa Kanya’y mangayupapa,
At Siya’y putungan!
Sa Kanya’y mangayupapa,
At Siya’y putungan!
4
Tayo nawa’y makasama
Noong karamihan
Sa Kanya’y mangayupapa,
At Siya’y putungan!
Sa Kanya’y mangayupapa,
At Siya’y putungan!