Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 62 Ang Panginoon Ko’y May Damit
1
Ang Panginoon ko’y may damit
Mabango, marikit!
Ang samyo’y nasok sa ‘king dibdib
At di na maalis!
Koro:
Iniwan ang palasyong garing
Sa lupa’y nanaog,
Pag-ibig niya sa akin…..
Ang siyan nag-udyok.
2
Ang buhay Niya’y nababalot
Ng luha’t himutok,
Kung magunita ang Kanyang krus
Luha ko’y nanagos!
3
Sa Damit Niya, ang humawak
Gumagaling agad!
Kung ako sa sala’y madulas
Hinahangong kagyat!
4
S’ya’y darating na nararamtan
Ng kal’walhatian.
At doon sa Kanyang tahanan
Ako’y ipipisan.