Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 59 Kay Jesus na Pag-ibig
1
Kay Jesus na pag-ibig,
Ay aking aawitin;
Nilisan N’ya ang langit,
Namatay dahil sa ‘kin.
Koro:Kay Jesus na pag-ibig
Ay aking aawitin;
Namatay S’ya’t nagsakit
Sa pag-ibig sa akin.
2
Nauna nang lumuha
Si Jesus kaysa akin;
At maging sa dalangin,
Una rin Siyang tambing.
3
Pag-ibig na kaylalim!
Kay hirap na isiping
Sala kong maiitim
Kanyang papuputiin.
4
Sa Kanya ako’y walang
Nagawang kabutihan;
Pangino’n ‘Yong tulungang
Pagibig ko’y mamasdan.