Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 57 Isang Bagong Kaibigan
1
Isang bagong Kaibigan ang aking natagpuan
Na sa aki’y nagmamahal bago ko naalaman;
Ako’y Kanyang tinalian ng pag-ibig na sakdal
Kaya’t ako’y Kanya lamang at Siya’y aking tunay.
2
Ang bago kong Kaibigan sa aki’y nagsanggalang
Kamtan ko lamang ang buhay Kanya ang inialay;
Kaya’t ngayo’y Kanya lamang lahat kong kinakamtan,
Buhay, lakas, kayaman, magpahanggang libingan.
3
Ang bago kong Kaibigan ay may kapangyarihang
Sa akin ay pumatnubay hanggang sa kalangitan;
Sa l’walhating mamasdan sigla ang kinakamtan,
Sa pag-gawa’t pagpapagal hanggang ako’y may buhay.
4
Ang bago kong Kaibigan ay maawaing tunay
Matalinong taga-akay malakas magsanggalang;
Sinong sa aki’y hahadlang na Siya’y paglingkuran?
Ang yaman ba? Sanlibutan? Hinid rin tutulutan!