Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 56 Si Jesus na Maalindog
1
Si Jesus na maalindog
Dakilang Manggagamot,
Salita’y nakalulugod
Sa may lumbay na puspos.
Koro:
T’wina’y ipag-awitan
Nating magkakapisan
Ang pangalang mainam,
Jesus na marangal!
2
Taong sinakop sa dusa,
Kay Jesus tumalima;
At puputungan ka Niya
Sa langit ng korona.
3
Si Jesus ang kagamutan
Ng salang karamdaman;
Kaya ating ipagdiwang
Ang Kaniyang pangalan.
4
Purihin ng pawang saya
At tawagan tuwina
Si Jesus na mapaninta
Buhay ng kaluluwa.