Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 53 Pumipigil na Pag-ibig
1
Pumipigil na pag-ibig,
Sa ‘Yo ako humihilig;
Muli konmg ibinabalik
Buhay kong sa ‘Yo’y nakamit
Nang yumamang higit.
2
Ilaw na sumusubaybay
Sa landas ng aking buhay;
Muli kong ibinibigay
Sinag ng puso kong banday
Nang araw’y sumilay.
3
O t’wang kumakaulayaw,
Puso sa’yo’y di sasarhan;
Binabakas ko sa ulan
Ang bahag-haring mainam,
Umaga’y kikinang.
4
Krus na nagtaraas sa ‘kin,
Di ko hiling na pawiin;
L’walhati ko ay kinutil,
At sa lupa ay sumupling
Buhay walang maliw.