Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 50 Pag-ibig ng Diyos
1
Pag-ibig ng Diyos ay higit
Sa lahat ng pag-ibig,
Ang kagalakan ng langit,
Naparito’t nagsakit;
Jesus, Ikaw’y maawain,
Ikaw ay maibigin;
Tanglay ang pagliligtas Mong
Kami’y Iyong dalawin.
2
Hingahan Mo bawa’t dibdib
Nalipos ng ligalig
Ng Espiritu Mong ibig!
Nang kami’y matahimik;
Hilig sa pagkakasala
Ay pawiing lahat na;
At sa amin Ikaw sana,
Maging Alpa’t Omega.
3
Ang Iyong biyaya, O Diyos,
Ipatanggap mo sa ‘min;
Biglang magbalik at mga
Templo’y h’wag nang lisanin.
Ikaw ay paglilingkurang
Gaya ng hukbo sa langit,
Dadalangina’t pupurihin
Ang sakdal Mong pag-ibig.
4
Lubusin Mo nga sa amin
Ang muli Mong paglikha;
Gawin Mo kaming malinis,
At dungis ay mawala;
Sa amin ay ipamalas
Ang Iyong pagliligtas,
Sa Iyo kami’y iharap
Sa langit ng pagliyag.