Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 5 Ang Pangalang Anong Tamis
1
Ang pangalang anong tamis
Nakakaalis ng hapis
Nagpapasaya sa isip
Ay ang ngalan ni Jesus!
Koro:
“Jesus,”oh anong tamis!
“Jesus,”kaibig-ibig!
Lagi tayong umawit
Sa pangalan ni Jesus!
2
Yamang tangi ko sa buhay!
Na tuwina’y kailangan
At labis kong minamahal
Ay ang ngalan ni Jesus!
3
Kung ako ay naninimdim
At ang buhay ko’y malagim
Wala akong tanging aliw,
Kundi ang ngalan ni Jesus!
4
Ang matamis na pangalang
Sa puso ko’y minamahal
At awitin ko sa buhay,
Ay ang ngalan ni Jesus!