Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 46 Sa Tuktok ng Isang Gulod
1
Sa tuktok ng isang gulod na mababa
Ay may isang krus na luma,
Doo’y ipinako si Kristong dakila
Patungkol sa sala ng madla!
Koro:
Aariin kong isang yaman
Ang krus N’yang kamahal-mahalan
Sa wakes ito’y papalitan
Ng isang putong na makinang.
2
Oh ang krus na yaong inaalimura
Sa akin ay mahalaga,
Sa pagka’t si Kristo ang Siyang nagdala
Doon sa bundok ng Golgota.
3
Oh yaong lumang krus na duguduguan
Maganda kung aking masdan!
Sa pagka’t si Kristo ang Siyang nagdala
Ang sa salang kapatawaran!
4
Oh sa krus na yaon ako’y magtatapat
Mamahalin hanggang wakes,
Pagsapit ng araw aking ilalapag
At ako sa langit lilipat!