Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 39 May Nagkusang Nag-alay
1
May nagkusang nag-alay ng buhay Niya
Nang ang gaya ko ay maligtas,
At ang hirap sa krus timtimang binata
Nang sa sala ako’y mahugas.
Koro:
Nangapako sa krus sala kong impok
Kusang-loob Niyang dinala!
Pag-ibig ni Jesus nahayag na lubos
Sa pag-ako Niya sa sala!
2
Siya ay matiyaga at matiisin
Nang ako’y nililinis Niya,
Lahat ng sala ko’y sa krus ibinitin
Kaya’t ako nama’y ligtas na.
3
Si Jesus ay hindi ko hihiwalayan,
Sa paglakad ko’y namamalas;
May awit ang pusong sa bibig taglay
Na ang sala ko ay nahugas.