Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 38 Panginoo’t Amang Mahal
1
Panginoo’t Amang mahal
Ng sangkatauhan,
Patawari’t ituwid Mo
Isip nami’t kabuhayan,
Sa puri’t paggalang.
2
Gaya nilang nakarinig,
Sa may dagat Sirya,
Ng panawagan ni Jesus,
Ay tularan natin sila,
Sumunod sa Kanya.
3
Kapahingahang Sabado
Sa Galileang mahal!
Doon lumuhod si Jesus
Upang ikaw’y bahaginan,
Kanyang pagmamahal.
4
Hamog ng katahimika’y
Iyong papatakin,
Dusa’t hirap ng kalul’wa’y
Iyo na sanang pawiin,
Buhay pagandahin.
5
Ang alab ng aming nasa’y
Iyong palamigan;
Ang pandama’y pamanhirin,
Ang laman ay sawatain
Ng tinig Mong akin.