Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 36 May Awit sa Hangin
1
May awit sa hangin! may tala sa langit!
Ina’y may dalangin at may batang hibik!
Tala’y suminag habang may umaawit,
Pagka’t pasabsaba’y may Haring marikit!
2
May dakilang galak sa pagkapanganak
Sa sanggol ng birhen, na hari ng lahat.
Sa saliw ng awit ang tala’y suminag,
Pagka’t pasabsaban ay may Haring liyag!
3
Panaho’y gumanda sa sinag ng tala;
At ang awit na ‘yon natanyag sa lupa.
Bawa’t dapugan ay nag-alab sa tuwa,
Si Jesus ay Hari! S’yang awit ng bansa.
4
Tayo’y natutuwa’t awit inuulit
Na narinig noon na mula sa langit.
Tayo’y nagdiriwang sa balitang sulit,
At ating binabati Haring marikit!