Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 307 Bulaklak sa Parang
1
Tangi kong kaibigan si Jesus na giliw,
Labis ang pag-ibig Niyang sagana,
Ang dalisay na lirio, namalas sa Kanya
S’ya ang tanging panlinis ng salako,
Aliw ko S’ya sa lungkot, sa hirap karamay,
Balisa mo’y ilagak sa Kanya.
Koro:
Tanging bulaklak sa parang,
Talang maliwanag;
Magiliw na kaibigan si Jesus.
2
Hirap ko’y binata N’ya, sala ko’y tinubos,
Tukso’y napaparam sa tulong Niya,
Lahat aking iniwan, tinalikdang tunay
S’ya ang naghahari sa aking buhay.
Hamakin man ng mundo at dusa’y mamranas,
Si Jesus ang gabay sa tagumpay.
3
Di N’ya ako iiwan, ni pabayaan man,
Habang sumusunod sa katuwiran,
S’ya ang aking kanlungan,
Takot walang saysay biyaya N’ya’y sapat sa aking buhay
L’walhati’y aawitin, ngalan N’ya’y purihin,
Pagsamba ang alay sa ngalan N’ya.