Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 3 Ang Panginoon sa Siyon
1
Ang pangino’n sa Siyon Ay naghahari na;
Buong lupa ay magsaya’t Lumapit sa Kanya;
At do’y aalingawngaw Kapurihan Niya,
Sa Kanya ang mga hari L’walhati ang dala.
2
Ang pangino’n sa Siyon Naghaharing ganap;
Lalim ng lupa at dagat Siya ang may hawak;
Ngalan N’ya’y parangalan, Bandila’y itaas,
Hanggang malalayong pulo sa Kanya’y maligtas.
3
Ang Pangino’n sa Siyon Naghahari ngayon;
Pasukin ang Kanyang templo’t Galak na magtipon;
Sa lilim ng bandila N’ya, Lahat ay paampon,
Sa Hari ng lupa’t langit, Igawad ang putong.