Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 295 Yaong Siyamnapu’t Siyam
1
Yaong siyamnapu’t siyam
Ay nasa kulungan,
Nguni’t isa’y nasa parang
Walay at naligaw;
sa burol at kabundukan
Malayo sa pastor ng kawan,
Malayo sa pastor ng kawan.
2
“Narito ang karamihan
Ano pa’ng kaylangan?”
Ang Kaniyang kasagutan:
“Isa’y nawawalay,
Kahit anong kasapitan,
Hahanaping pagpipilitan,
Hahanaping pagpipilitan.”
3
“Pangino’n bakit nagkalat
Dugo Mo’y nanatak,
Nakikita sa ‘Yong landas,
Sa bakas Mo’t yapak?”
“Dahilan sa napahamak
Sa kawan Ko ay natiwalag,
Sa kawan Ko ay natiwalag.
Sa kawan Ko ay natiwalag.”
4
Dinig sa langit ang hiyaw
Do’n sa kabundukan;
Mga anghel ay umawit,
“Nakita ang waglit”
Yaong anghel namang tanan
Buong galak na nag-awitan,
Buong galak na nag-awitan.