Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 293 Saysayin Mo sa Lahat ng Bansa
1
Saysayin mo sa lahat ng bansa,
Iyong sabihin;
Mag-uumaga gabi sa lupa,
Si Jesus darating.
Koro:
Ang Hari ay batiin,
S’ya’y Korderong pinaslang;
Iyo na ngang sabihin
Ang kasaysayan.
2
Mga bansa’y nangagkakagalit,
Nagbabababala;
Sinasabi ng tanda sa langit
Araw na dakila.
3
Mga anak ng Diyos naghihintay;
Puri’y isigaw;
Mapapalad ang nangagbabantay
Sa sinag ng araw.