Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 29 O Diyos, na Tulong sa Amin
1
O Diyos, na tulong sa amin
Nang taong nagdaan,
Aming pag-asa, kanlunga’t
Tahanan kailanman!
2
Sa lilim ng ‘Yong luklukan
Tatahang tiwasay;
Bisig Mo lang ay sapat na,
At tiyak ang tanggulan.
3
Noong yaong mga burol
Bago nangalagay,
O nagkaanyo ang lupa,
Ay Diyos Ka nang tunay.
4
Sa ‘Yo, ang libong panaho’y
Gaya ng magdamag,
Kasing ikli nitong gabi,
Bago magliwanag.
5
O Diyos, na tulong sa amin
Nang taong nagdaan,
Maging aming patnubayan Ka
Habang nabubuhay.