Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 288 Sulong sa Laban
1
Sulong sa laban, kabaka’y masdan,
Watawat ng Diyos itanghal,
Buong sandata’y pakaingatan,
Umasang ang Diyos ang kaakbay.
Koro:
Sulong, kawal, bandila’y itanghal
Patuloy sa pakikilaban;
Sulong! sulong! at ipagsigawang
Si Kristo ang ating Kapitan.
2
Lupigin agad likong pangwasak,
Katotohana’y ihayag;
Bawa’t kalasag gamiting tapat
Nang h’wag manaig si Satanas.
3
Diyos na dakila, tulungan nawa,
Kami ng Iyong biyaya;
Sa pagdirigma’t nang h’wag mawala
Putong na Iyong inihanda.