Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 285 Di na Lubhang Magtatagal
1
Di na lubhang magtatagal
Ang lahat ng kahulugan
Ng pagluha’t kalumbayan
Ay atin nang malalaman.
Koro:
Kaya nga’t sa Panginoon
Magtapat nang buong tapang,
Daan ma’y madilim ngayon,
Bukas, maliliwanagan.
2
Ang gawa nating natigil
Doo’y ating tatapusin,
Lahat ng hiwaga sa ‘tin
Doon ay ipalilining.
3
Kung bakit ang kadiliman
Sa liwanag humahalang,
At ang tuwa’y pumapanaw,
Doon ating malalaman.
4
Kung bakit ang ating nais
Malimit na ipagkait
At ayaw na ipakamit
Doon ating mababatid.
5
Alam ng Diyos ating daan;
Tiyak ang kanyang patnubay,
Bawat luhang naranasan
Doon ating malalaman.