Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 281 Taon ng Pagpapala
1
Taon ng pagpapala, tagumpay nakamtan,
Masikhay na paggawa’y pinapatnubayan;
Oh Diyos naming Kanlungan, nagbibigay buhay,
Sa loob ng ‘Yong templo aming iaalay
Ang aming pagpupuri sa ‘Yong kabutihan.
2
Ang muling pagtitipon namin ay malasin,
At ito’y patnubayan magpahanggang libing;
Ang mga puso nami’y iyong pasiglahin,
At ang pag-ibig sa ‘Yo ay lalong itiim,
Upang lahat ng tao, ngalan Mo’y purihin.
3
Bayan ng Diyos, magsikap, na ikaw’y magwagi,
Pangunahan ng kampon, nang h’wag maduhagi
Ng salang susunsusong laging umaali,
Hanggang sa kanyang trono lahat ay magpuri
Ng isang aleluya kay Jesus na kasi.