Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 276 H’wag Kalilimutan ang Sabado
1
H’wag kalilimutan ang Sabado ng Diyos
Na sa lahat ng araw tanging namumukod,
Sa ating kapaguran may aliw na dulot
At sa kanyang liwayway may ginhawa’t lugod.
Koro:
Magalak kang tinatanggap, sabado ng Diyos,
Magalak kang tinatanggap, sabado ng Diyos.
2
Tayo ay mangilin, ang Diyos dalanginan
At tuloy nating sundin ang tunay na “daan,”
Ating alin-sunurin si Jesus b’ong araw,
Tayo’y paiinumin sa bukal ng Buhay.
3
Ang araw na ito’y atin nang gamitin
Sa pag-awit kay Kristo at pananalangin;
Jesus, ang pangako Mong kami’y kupkupkupin
S’yang sa buhay na ito’y tanging mahal namin.