Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 275 Pahingang Araw Muling Dumatal
1
Pahingang araw muling dumatal,
Na pinagpala ng Diyos na mahal;
Kabanalan at kapayapaan
Ang papaghariin nating tanan.
2
Dakilang araw ating gamitin
Sa pagganap ng loob N’yang tambing;
Nang ang pagpupuri’t hibik natin
Ay malugod na Kaniyang dinggin.
3
Panginoon ng b’ong salibutan,
Tinig ng anak Mo ay pakinggan;
Isaisip pangako Mong mahal,
At biyaya sa ami’y pakamtan.
4
Ama sa langit, pag-asa’y Ikaw,
Ang mga utos Mo ay patnubay;
Kaibigan Ka’t tagapagbantay,
Na nag-iingat sa aming buhay.