Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 266 Hinog na ang mga Uhay
1
Hinog na ang mga uhay
Sa bukirang malawak
At sa liwanang ng araw
Masdan at nakabilad.
Koro:
Panginoon, Iyong dinggin
Ang aming panawagan,
Mang-aani ay sugui’t
Di namin magampanan.
2
Sa umaga’t sa tanghali,
Sila’y Iyong suguin,
At sa pagdating ng gabi,
Sila’y Iyong tipunin.
3
Oh! sugo ng Panginoon,
Gintong uhay, pisanin,
Pagka sumapit ang hapon
Tuwa’y iyong kakamtin.