Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 265 Samantalang Maaga
1
Samantalang maaga gumawa’t darating
Gabing ipapahinga sa ‘yong tungkulin;
Isaayos mong lahat ang iyong gawain
Nang makatapos agad bago dumilim.
2
Gawin bawa’t gawain habang may liwanag;
Oras h’wag aksayahin igawang lahat;
Iyong alintanahin ang lahat ng hirap
Dumarating ang dilim kaya’t magsikap.
3
Araw ay nagtutulin sa kanyang paglubog
Kaya’t dagling tapusin at isaayos
Ang minulang gawai’y isingit na lubos
Sa ibang adhikain nang makatapos.