Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 260 Pagdating N’ya
1
Pagdating N’ya upang kunin
Ang mga hiyas N’ya,
Mahahalagang hiyas N’ya’y
Mahal sa Kanya.
Koro:
Bituin ang kapara
Ng hiyas ng korona,
Magniningning sa ganda
Hiyas ng putong N’ya.
2
Ang hiyas ng kaharian
Kanyang titipunin,
Ang lahat ng malilinis
At maniningning.
3
Ang maliliit na batang
Umibig kay Jesus,
Ay siyang mga hiyas na
Mahal N’yang lubos.