Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 26 Hari’y Sambahin
1
Hari’y sambahin, O buong langit,
Inyong awitin kanyang pag-ibig;
Matanda sa araw, ating sanggalang,
Maningning at lipos ng kapurihan.
2
Ang lakas Niya’y inyong saysayin,
Kanyang biyaya’y inyong awitin;
Balabal Niya ay kaliwanagan,
Ang pabilyon Niya ay kalawakan.
3
Ano ang maglalahad na dila
Ng pangangalaga Mong sagana?
Ito’y nasa hangi’t nasa liwanag;
Nasa hamog, ulan, burol, lupang patag.
4
Sa Iyo’y ipinagtitiwala
Ang alabok, mahihinang bata;
Magiliw, matibay, ‘Yong kaawaan!
Aming Manunubos, Sanggalang, Kaibigan!