Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 257 Mga Palasyo Man Ang Katuntungan
1
Mga palasyo man ang katuntungan,
Wala nang iinam pa sa tahanan!
Pang-akit ng langit tayo’y binabanal,
Na di nakikita sa sanlibutan.
Koro:
Tahana’y kay inam!
Wala na ngang iinam
Pa sa tahanan!
2
Kislap ng yama’y walang kabuluhan
Muling ibigay dukha kong tahanan!
Ang mga ibong nangag-aawitan,
sa ‘king pagtawag ay naglalapitan.
3
Bagaman mga tao’y nakaraan,
Kaytamis gunitain ang tahanan!
Sa mga pang-akit na namamasdan,
Tumatalikod ang dinasis’yahan.