Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 251 O Diyos Ko Ako’y Akbayan
1
O Diyos ko, ako’y akbayan
Gaya ni Enoc no’ng araw;
Kamay kong mahina’y tabnan
At h’wag Mo pong pabayaan;
Bagaman daa’y di tanaw
Umaasa sa tagumpay.
2
Di ko kaya ang mag-isa
Sa mapanganib na sigwa,
Mga patibong sa paa
Sa dadaana’y balana;
Ang sa kaaway na pita
Ako sa Iyo’y makuha.
3
Sa Iyo lang umaasa
Kung kasama ka’y ligtas na,
Kaya’t patuloy nag pita
Na sa Iyo’y makisama
Hanggang sa aking makita
Ang mukha ng Diyos na Ama.