Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 25 Tulad sa Ama Kung Tumingin
1
Tulad sa ama kung tumingin
Sa isang anak na nagtataksil,
Anumang sama, anumang itim
Ang ating sala ay lilinisin.
2
Tulad sa ama kung tumanggap
Sa alibughang lumayong anak,
Ang dibdib niya’y palaging bukas
Ang kanyang kamay ay nakaunat.
3
Tulad sa ama kung dumamay
Sa kanyang anak na minamahal,
Binabantayan kung naliligaw
At inaakay sa wastong daan.
4
Tulad sa ama kung mahabag
Sa anak niyang napalilingap,
Puso’y malambot sa tumatawag
Di nagmamaliw hanggang sa wakas.