Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 245 Patnugot Ko ay si Jesus
1
Patnugot ko ay si Jesus
At kaaliwan ng loob,
Sa anumang aking kilos
Ako ay Kaniyang kupkop.
Koro:
Patnugot Kita, Oh! Jesus
Sa anumang aking kilos,
Tapat akong taga-sunod
Sa salita Mong ma-irog!
2
Kahit sa masayang bayan,
At sa kapighatian man,
Sa dagat na kalawakan,
Patnugot ko nga ay Ikaw.
3
Jesus, kamay ko’y abutin
H’wag Mo po akong hapisin
Ang sa aki’y umaaliw
Patnugot Kang Diyos na tambing.
4
At sa aking kawakasan
Biyaya Mo ay pakamtan,
Oh! Jesus, sa pagka’t Ikaw
Ay patnugot ko saanman.