Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 242 Ako’y Ilapit, Diyos sa Iyo
1
Ako ay ilapit, Diyos, sa Iyo!
Maging krus man kahit, babathin ko;
Kaya’t inaawit, ilapit mo ako,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
2
Katulad ko’y gala sa kadimlan,
Nang humiga’y bato ang inunan;
At ang napangarap sa Diyos ko’y ipisan,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
3
Sa langit ang hagdan ay namalas,
Na dinaanan ng sugong tapat,
At aking sinabing sa Diyos ko’y ilagak,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
4
Naidlip kong isip nang magising,
Ang aking hinagpis di na pansin,
Sa ningas ng nais sa Diyos ko’y mapiling;
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.
5
Araw, b’wan, at bitwi’y malilimot,
Kung sa langit dalhin ng t’wa’t lugod,
At ang aawiti’y sa Diyos ay idulog,
Ako ay ilapit, Diyos sa Iyo.