Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 238 Iilang Panahon na Lamang
1
Iilang panahon na lamang ang antay
At atin nang makikita ang nangasa hukay
Kaya, Panginoon, sala ko’y hugasan
Upang ako ay mahanda sa dakilang araw.
2
Sa buhay na ito’y iilan nang tunay
Ang bagyo ng tukso’t sala na kinakaaway
Kaya, Panginoon, sala ko’y hugasan
Upang ako ay mahanda sa dakilang araw.
3
Tayo’y paroroon sa walang pagluha,
Matapos ang hirap, dusa, lumbay at dalita.
Kaya, Panginoon, sala ko’y hugasan
Upang ako ay mahanda sa dakilang araw.
4
Di na malalaon si Jesu daratal,
At ang mga magtatapat bibigyan ng buhay
Kaya, Panginoon, sala ko’y hugasan
Upang ako ay mahanda sa dakilang araw.