Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 236 Manindig Kay Jesus!
1
Manindig kay Jesus!
Kayong kawal ng krus;
Watawat N’ya’y itaas,
Di dapat makilos;
Sa mga pagwawagi,
S’ya’y mamamatnugot,
Hanggang bawa’t kaaway
Ganap na masakop.
2
Manindig kay Jesus!
Kayo’y tumalima;
Humayo’t magsisulong
Sa pakikibaka;
Kayong mga lalaki’y
Maglingkod sa Kanya,
Sa panganib ay tapang,
Lakas ang sandata.
3
Manindig kay Jesus!
Lakas N’ya ang tabnan;
Di dapat magtiwala
Sa’yong kalakasan.
Ebanghelyong baluti’y
Isakbat, lumaan,
Saan ka man tawagin,
Doo’y h’wag magkulang.
4
Manindig kay Jesus!
Di malalaunan
Ang labana’y hahantong
Sa pagtatagumpay.
Doon sa magwawagi
Ay putong ng buhay;
Sila ng Haring Jesus
Maghaharing tunay.